Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2017
Imahe
" Maagang Pagbubuntis " Ano ba ang pagbubuntis? ang pagbubuntis ay sumisimbolo sa pagkakaroon ng isang pamilya na kung saan ito ay binubuo ng Ama, Ina at Anak. Ngunit sa ating henerasyon marami ng mga kabataang maagang nabubuntis sapagkat sa kawalan ng pag-aaruga ng mga magulang, pagsama sa mga barkada at higit sa lahat impluwensya ng mga napapanood sa telebisyon na kung saan mayroong mga dapat hindi makita nga mga kabataang nanonood. Ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay dagdag pasakit sa ating bansa dahi sa lumalalang populasyon at lumalalang bilang nga maraming kabataang nabubuntis, dahil dyan maraming kakulangan sa ating bansa ang hindi natutustusan ng gobyerno. Ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan ay nakakasira rin sa kalusugan sapagakat wala pa sila sa tamang edad upang magkaroon ng anak, dahil hindi pa sapat ang kanilang kalusugan at wala pa silang alam sa pagbubuntis.